Travel. News. Migrants. Economy. Health

3 OFW sa Taiwan ang binawian ng buhay sa loob ng sampung araw


Sa loob lamang ng sampung araw, tatlong OFW ang binawian ng buhay dahil sa mga aksidente. Lubos na ikinalungkot ito ng Filipino community at fellow OFW sa Taiwan.


Aksidente sa motorsiklo;

Naireport noong August 23 ay ang naaksidente na si Jonald Beltran Felix habang nakasakay ng motorsiklo. Sa kasamaang palad, isa palang itong illegal migrant worker sa Taiwan kaya nahirapan ang pamilya nito sa paguwi ng bangkay dahil nga walang proper documents at hindi registered sa POEA o OWWA. Nangailanga pa ng malaking halaga para lang maiuwi ang bangkay nito.


Nasabuyan ng hydroflouric acid;

Si Desirie Castro Tagubasi, namatay habang nasa Intensive Care Unit (ICU) sa isang hospital sa Taipei, ang ikinamatay nito ay dahil sa severe burn na natamo niya ng mabuhusan siya ng poisonous na hydroflouric acid. Ikinabahala ito ng Filipino community sa Taiwan dahil sa safety issues ng kumpanya at walang tamang first aid sa biktima.

Nangyari ang chemicla aksident noong August 29 ng umaga. Ang hydroflouric acid kayang sumira sa mga tissues sa katawan kapag ito ay napunta sa balat o nainom.


Nalunod sa Anping Beach;

Binawian ng buhay at nalunod naman noilong September 1 ng hapon sa Anping Beach sa Tainan si Renz Rommuel Bravo. Sasagipin sana ang mga kapwa OFW na nalulunod dahil tinangay ng malakas alon ngunit hindi daw nito nakayanan.

Ayon sa fire department ng Tainan, sa unsafe part lumangoy ang mga OFW na kung saan may mga breakwaters at malalakas na alon ng tubig at habang nagtatagal nagiging whirlpool.

Para sa mga OFW sa Taiwan, kailangan maging aware sa lahat ng bagay kahit nasa trabaho o sa mga pasyalan man. Magkaroon ng doble ingat sa lahat ng gagawin dahil may mga pamilyang naghihintay at umaasa sa atin mula sa ating bansang sinilangan.
Share:

No comments:

Post a Comment

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive