Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bulag na Lola, nananatiling mabuti at positibo kahit pa madalas pagnakawan ng paninda


Hindi man makakita, nananatiling makulay ang mundo ng isang 71-anyos na Lola mula sa Bangkok, Thailand.


Alas siyete pa lamang ng umaga ay nagsisimula ng magbenta ng tinaoay si Aunt Nid. Kung sinuswerte, pagsapit ng alas kwatro ay ubos na ang kaniyang mga paninda.

Nais makapag-ipon ni Lola Aunt kaya naman patuloy ito sa pagtitinda ng mga tinapay kahit pa pinagnanakawan na lamang siya ng ibang taong napapadaan sa kaniyang puwesto.

Hindi rin mataas magbigay ng presyo ang matanda, bagkus ay ibinababa pa niya ito nang sa gayon ay makabili ang mga kulang ang pera.

Dahil dito, marami ang humahanga at kumukuha ng inspirasyon kay Lola Aunt na hindi nagpapatinag sa hamon ng buhay.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive