Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ina, tuwang-tuwa habang ginagawang aso ang 1 taong gulang na anak


Mainit ngayon sa mata ng madla ang isang ina sa Orani, Bataan matapos talian  sa leeg ang isang taong gulang na anak at tratuhin na para bang isang aso.


Sa isang social media platform, ini-upload mismo ng ina, 23-anyos, ang larawan ng kaniyang anak na aniya ay bagong niyang alaga.

"Bago ko nga palang alagang aso haha...lakas ng tama ng anak ko sunod-sunuran naman...#dami kong tawa dito grabee...," sabi nito sa kaniyang Facebook post.

Maging sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang hindi makatarungang ginawa ng ina sa anak kung kaya agad nila itong tununton.

Pag-amin ng ina, katuwaan lamang ang ginawa niya sa kaniyang anak.

Gayunpaman, kinuha pa rin ng DSWD ang bata sa kustodiya ng ina. Sumailalim ito ngayon sa counseling sa posibleng trauma na naidulot ng pangyayari.
Share:

8 comments:

  1. Parang mga article about sa child abuse puro taga bataan ah grabe naman yan dapat sa mga ganyang parents ikinukulong ee

    ReplyDelete
  2. Diyos ko.. kawawang bata ginawang aso ng sariling ina. Ano pumaxok sa utak mo. Ginawang laruan..

    ReplyDelete
  3. Tama lang na kunin ang bata. Di Sya fit s pagiging ina. Dpat nga makulong pa sya. Luwag kc ng batas dto s atin. Nasobrahjan sa human rights..

    ReplyDelete
  4. Baka adik yung nanay o kaya may sayad

    ReplyDelete
  5. kunin sana kayo ni god sa ginagawa nyo sa bata ang bata minamahal di pinaglalaruan kung di nyo na kailangan ang bata ibigay nyo di yung ginagawa nyong hayop mga walang puso at ano ba talaga ang hinahanap nyo si tulfo para makulong kayo ha tsaka kahit sabihin nyong kayo ang magulang ng batang yan dapat nyong mahalin di yung gagawin nyong hayop mga waalng puso

    ReplyDelete
  6. Grabe kang ina kang ipnanganak mo ggawen mo lng laruan ang anak mo pno kong gawen den sau sa tingen moba mattuwa kren ba...tma lng knin ank mo wla kang kwentang magulang..??

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive