Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ama, matiyagang nag-ipon ng barya para sa operasyon ng anak


 

Marami ang naantig sa larawan ng isang ama na nagbibilang ng sandamakmak na barya para sana sa kaniyang anak na nangangailangan ng liver transplant.


Ayon kay Jenny Sumalpong na siyang nagbahagi ng mga litrato, binibilang ng amang si Jeric Aqyuino Treste sa ospital ang mga naipon niyang barya na nakalaan para sa pampagamot ni Zhianna Ezra Trestre o Baby Esang.


Sa kasamang palad, ang naipon ng ama ay hindi pa rin sapat upang matustusan ang tuluyang paggaling ng bata.


Dahil dito, hinikayat ni Jenny ang publiko na i-share ang kaniyang post nang sa gayon ay marami ang makakita at magkaroon ng interes na tumulong.


Nang mga panahong iyon ay sinugod sa ospital si Baby Esang dahil da matinding ubo. Ayon kay Jeric, patuloy na nagpapagaling ang kaniyang at unti-unti na ring bumabalik ang sigla nito.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive