Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte, Angel Locsin kinilala bilang mga 'most admired' person ng mga Pilipino: survey


Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at aktres na si Angel Locsin ang listahan ng “most admired” men and women sa Pilipinas para sa taong 2020 base sa inilabas na resulta ng survey ng YouGov nito lamang Septyembre 23.


Nakatanggap si Pres. Duterte ng “admiration score” na 19.67% habang 15.03% naman ang sa Darna star.

Sa listahan ng "most admired women" makikitang pumangalawa ang dating Miss Universe na si Catriona Gray, ikatlo ang singer na si Sarah Geronimo, ika-anim si Liza Soberano, ika-sampu si Marian Rivera at ika-15 naman amg bise presidente na si Leni Robredo.

Sa hanay naman ng mga kalalakihan, pumangalawa si Senator Manny Pacquiao at ikatlo si Mayor Isko Moreno. Ang mga sumunod sa listahan ay kapwa na mga banyaga.

Isinagawa ang survey na may katanungang "Who do you truly admire?" at Who do you most admire?" sa 42 lugar mula Mayo hanggang Septyembre.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive