Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bata sa Cebu mangiyak-ngiyak matapos maka-order ng 42 chicken fillet online


 Halos umiyak sa takot ang isang pitong taong gulang na batang babae sa Barangay Mabolo, Cebu City nang magdagsaan ang mga delivery rider sa kanilang tahanan matapos aksidenteng maka-order ng 42 ng chicken fillet at fries sa isang online application.


Kwento ng kapitbahay nitong si Dann Kayne Suarez, maging sila ay nagulat nang higit sa 30 delivery rider ang dumating sa bahay ng bata noong Nobyembre 25, dakong alas-11 nang umaga.


Umorder umano ang bata ng naturang pagkain ngunit dahil sa problema sa internet, paulit-ulit nitong napindot ang application dahilan upang umabot sa 42 ang bilang ng mga pagkaing na-order.


Bawat combo ng chicken fillet at french fries ay nagkakahalagang P189 kaya naman ang kabuuang order ay pumatak ng P7, 938.


Dahil sa awa, may ilang kapitbahay na bumili sa ilang mga order at mayroong ding mga rider na hindi na nagpabayad lalo pa at tanging ang lola lamang ng bata ang kasama nito sa bahay.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive