Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

4Ps beneficiaries, alamin kung paano pinipili


Sa buong Pilipinas, 4.4 milyong Pilipino ang maituturing na pinakamahirap sa bansa, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Upang matulungan ang mga ito, nagbibigay ang DSWD ng pansamantalang ayuda sa pamamagitan ng ilang programa gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). 


Ngunit bago maging kwalipikado ang mga nais na mapabilang sa programang ito dapat na residente ang isang pamilya sa pinakamahirap na munisipalidad, batay sa 2003 Small Area Estimates ng National Statistical Coordination Board. 


Nararapat rin na ang pamilya ay maihahanay sa provincial poverty threshold at mayroong mga batang 0-18 taong gulang at may buntis na kamag-anak sa panahon ng pagsusuri.


Higit sa lahat, upang mapabilang sa 4Ps ang isang pamilya dapat na sumang-ayon ito sa kondisyon ng programa.


Kasama sa benepisyo ng 4Ps  libreng checkup para sa mga buntis at mga batang 5 taon pababa, pagpupurga ng mga batang 6 hanggang 14 taon gulang, at libreng edukasyon para sa mga bata mula preschool hanggang high school.

Share:

2 comments:

  1. Sana po mksali n po aq sa 4 p's malaking tulong po para sa akin lalo n ngayon hirap mamuhay..wla n po mgawa dahil sa module ..khit pngloa para sa guidelines sa pagaaral ng mga bata.slmat po God bless.

    ReplyDelete
  2. Sana po makasama na ako at dalawa Kong anak na 5 and 12 years old na nag-aaral.Single mom po ako na walang trabaho at nakatira Lang saking mga magulang.Eto po number ko,09668917026.Taga Maria Fe Orani Bataan po ako.Thanks

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive