Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Batang lalaki, naulila sa parehong magulang sa murang edad


Maagang naulila sa magulang ang batang lalaki na si Baby Macky matapos mamayapa ng kaniyang ama at ina ngayong taon 2020.


Base post kay Hyanizha, isang netizen na nagbahagi ng kwento, unang pumanaw ang kaniyang ina na si Mailyn Sabandea noong Enero ngayong taon dahil sa kidney failure.

Makalipas ang walong buwan, Setyembre, sumunod naman ang kaniyang ama na si Mark Anthony Sandoval sa parehong karamdaman.

"Unang kinuha ni God ang kanyang ina na si Mailyn Sabandea (January 2020) at ngayong buwan naman (September 2020) ay ang kanyang ama na si Mark Anthony Cabagnan Sandoval," sabi ni Hyanizha sa kaniyang Facebook post.

Kasalukuyan ngayong nasa pangangalaga ng kamag-anak si Baby Mark ngunit nangangailangan pa rin ito ng tulong pinansyal para sa personal na pangangailan ng bata.
Share:

1 comment:

  1. masakit sa kaoban piro dios ang nakakaalam ng lahat sa ngaun bta sya hnd pa nya ramdam kaya kinuha ang knyang mgulang para hnd pa sya gaanong msktan

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog archive