Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Koreano arestado, matapos bugbugin ang kinakasamang Pinay


Ayon sa ulat ni John Consulta sa nitong Sabado, Isang 31-anyos na Koreanong dayuhan na si Kang Min Seung ang arestado dahil sa pambubugbog sa kanyang Pinay na live-in partner.


Kumuha ng video ang 25-anyos na Pinay para idokumento ang mga pasa sa mukha, braso, hita, at sugat sa kamay na natamo sa pagmamalupit ng Koreano na pitong buwan niya pa lang na kinakasama.

Gumagamit din ng droga at nag-uuwi pa ng ibang mga babae ang Koreanong dayuhan sa kanilang bahay.

Sinabi ng Hepe ng NBI Interpol na si Ronald Aguto, “Ang sumbong sa atin nitong biktima ay nagdodroga itong lalaki. Pinipilit itong ating complainant, itong biktima, na makipagtalik sa kanila,”

“Hindi makontrol ng lalaki ang kanyang sarili kapag galit na galit. Napagbuhatan ng kamay at parang nauntog pa siya,” dagdag pa niya.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang suspek.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive