Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lolo sa Bulacan, walang awang hinataw ng kawayan at pinukol ng bato sa ulo


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang matandang lalaki matapos hatawin ng kawayan at pukulan ng bato sa ulo ng mga sigang residente sa Brgy, Sto.Cristo, Pulilan, Bulacan.


Kitang kita sa isang video na viral ngayon sa social media ang ginawang pagmamalupit kay Masao Sako, isang senior citizen na lahing hapon.

Komento ng mga galit na netizens, hindi makatarungan ang ginawang pananakit sa matanda kahit pa may nagawa pa itong kasalanan.

"Kawawa naman si lolo. Nami-miss ko tuloy yung lolo ko. Bakit ganyan ginawa nila. Walang kalaban-laban. Diyos ko, napaiyak ako tumingin kay lolo kawawa talga," komento ng isang netizen.

Ayon sa ibang netizen, may pagkakahawig ang matanda sa isang pulubi sa Pulilan Market ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukumpirma kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng pananakit rito.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive