Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

PWD, matiyagang nagmamando ng trapiko sa ilalim ng tirik na araw


Marami ngayon ang humahanga sa traffic enforcer na si Ricardo Bulosan dahil sa kaniyang determinasyon sa pagtatrabaho sa kabila ng kaniyang kapansanan.


Base sa ulat ng GMA News, putol man ang kaniyang kaliwang binti, regular na empleyado naman ito ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Matiyaga itong nagsasaayos ng trapiko maghapon sa intersection ng Pe├▒afrancia at Quirino Avenue sa lungsod ng Maynila.

Dati lamang volunteer si Bulosan, ngunit dahil sa kaniyang sipag at tiyaga ay napagpasyahan ng lungsod na pormal siyang gawing traffic enforcer.

Marami ang bumibilib sa kaniyang determinasyon lalo pa at hindi biro ang tumayo ng nakasaklay sa ilalim ng tirik na tirik na araw.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive