Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Siyam na buwang buntis, minanyak ng motorcycle rider sa subdivision


Hindi pa rin malimutan ng isang siyam na buwang buntis na babae ang ginawang pambabastos ng isang motorcycle rider na lumapit sa kaniya upang magtanong lang umano ng direksiyon sa loob ng subdivision sa Usisan, Taguig City.


Sa isang cctv footage na viral ngayon sa social media, makikitang maayos na nakikipag-usap ang biktima nang bigla na lamang dakmain ng lalaki ang kaniyang dibdib.

“This man approached me, kita sa vid para daw mag tanong kung saan yung address na sinabe nya, syempre kala it delivery guy sya kaya sabi ko ‘kuya di ko alam eh, pero baka doon or doon pero nasa tamang street kayo,’” pagbabahagi ng biktima sa kaniyang social media post.

Kwento niya, alas sais ng umaga nang mangyari ang insidente. Pauwi siya noon galing sa bakery na pinagbilhan niya ng pan de sal,  ilang kilometro lang ang layo mula sa kanilang tahanan.

Wala nagawa ang babae kung hindi umuwi ng umiiyak. Labis daw ang trauma na sinapit nito mula sa pambabastos ng estranghero.

“Tbh, nung nangyare yan pagkauwi ko iyak lang ako ng iyak. Na para bang nandon padin yung kamay nya. It’s not easy. That feeling triggered me and I almost gave birth,” pagpapatuloy nito.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive