Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

4 na magpipinsan tinamaan ng kidlat sa dalampasigan; 3 patay, 1 sugatan


 

Ang masaya sanang pamamasyal nauwi sa madilim na trahedya matapos tamaan ng kidlat ang apat na magpipinsan sa San Fernando City, La Union.

verdana; font-size: large;">

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes (Oktubre 12), napag-alaman na namamasyal sa tabing dagat ang magpipinsang Eunizer Apayo, Tristan Apayo, Rhian de Guzman, mga menor de edad, at 21-anyos na si Patrick de Guzman.


Habang naglalakad ay bigla umanong umulan at saka  tinamaan ang magpipinsan ng matalas na kidlat.


Agad naman naisugod sa ospital ang apat ngunit sa kasamaang palad tuluyang nasawi sina Eunizer, Tristan, at Rhian habang nagpapagaling naman si Patrick.


Pakiusap ng baranggay sa mga resident, manatili na lamang sa loob ng tahanan  lalo na ngayong masungit ang panahon at may pandemya.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive