Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Mayaman ka naman': Vice Ganda, binabatikos dahil sa kaniyang fundraising campaign


Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang paglulunsad ng fundraising campaign para sa mga biktima ng bagyong Ulysses ng komedyanteng si Vice Ganda kaya naman samu't-saring batikos ngayon ang ibinabato sa kaniya.


Giit ng madla, sa yaman daw nito, dapat ay maglabas na lamang siya ng pera mula sa kaniyang sariling bulsa sa halip na humingi ng donasyon sa ibang mga tao.


“Magdonate din po kau galing sa yaman nyu di puro fundraising galing sa bulsa ng ibang tao tpos kanino mapupunta ang credit aberrr lamm naa,” komento ng isang netizen.


Paliwanag naman ni Vice inilunsad niya lamang ang donation drive upang matulungan ang mga taong nais magpahatid ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyo. Makakaasa raw na siya mismo ay maglalabas ng sariling pera pantulong sa mga nangangailangan.


"Ginagawa ko po ito para sa madlang pipol sa mga kaibigan, sa mga Little Ponies (tawag niya sa kanyang fans), na gustong mag-ambag at gustong pagsama-samahin yung kanilang mga donasyon," giit ni Vice na sa ngayon ay nakalikom na ng P700,000.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive