Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

10 taong gulang na bata, nagtitinda ng balut para sa operasyon ng ina


Marami ang humahanga ngayon sa 10 taong gulang na si Samuel Miguel dahil sa kaniyang dedikasyon sa paghahanap-buhay makatulong lamang sa pag-iipon para sa operasyon ng kaniyang ina.


Ayon kay Jane Ashley Jimenez na nagbahagi ng kwento sa social media, noon pa man ay araw-araw nang nagtitinda ang bata ng balut kasama ang kaniyang ina.


Sa kasamaang palad, nabagok ang ulo ng kaniyang ina at na-stroke dahilan upang sumailalim ito sa operasyon na daan-daang piso ang halaga.


Naging sapat na rason din ito para kay Samuel upang magtiyaga paglalako ng balut sa kalsada gamit ang kaniyang bisikleta sa kabila ng kaniyang murang edad.



"Baka po may gustong tumulong sakanya nagtitinda sya ng balot araw araw siya nadaan dito sa colayco na kasama mama niya kaso nabagok mama niya & na half stroke yung mama niya," saad ni Jimenez sa kaniyang Facebook post.


Dahil sa pagmamahal at kasipagan na ipinakita ng bata, marami ngayon ang naaantig at nais maghanap ng karagdagan tulong para kay Samuel at sa kaniyang ina.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive