Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Dalawang magkapatid halos hindi na kumakain dahil inabandona ng kanilang ina

Kapansin pansin ngayon sa social media ang dalawang mag kapatid na inabandona ng kanilang ina dahil nag hiwalay na sila ng kanyang asawa.


Kinilala ang magkapatid na si JC at Jade na nakita ng kanilang kapit bahay at ang nagpost ng larawan na si Jessa Joy Tadio II na humihingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo dahil halos hindi na kumakain ang magkapatid at madalas pa silang nag kakasakit.


Ilang araw na rin hindi umuuwi ang kanilang Ina dahil hiwalay na sila ng kaniyang asawa na nag tatrabaho bilang isang construction worker.


Madalas silang iwan ng kanyang ama dahil sa busy sa trabaho kailangan niyang kumita para may makain ang kanyang pamilya at hindi na halos makauwi ng bahay dahil sa pagtatrabaho.


Sa kanilang bahay walang kuryente dahil hindi pa nakakapagbayad at magulo ang kanilang mga gamit sa loob ng bahay kapansin panain ang sobrang dumi ng bahay.


Halos trabaho ang pinagkakaabalahan ng kanilang ama kaya napapabayaan talaga ang kanyang mga anak at hindi na ito maalagaan ng maayos.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive