Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang lalaki lapnos ang balat matapos silaban ng kanyang ka-live in habang tulog


Sa Tagoloan, Misamis Oriental, isang lalaki ang lapo ang katawan hanggang binti ito ay matapos silaban ng kanyang ka-live in partner habang siya ay natutulog.


Kinilala ang biktima na si Ponciano Liñan at naaresto naman kinalaunan ang suspek na si Marites Sumampong.


Ayon sa imbestigasyon habang masarap at mahimbing ang tulog ni Ponciano bigla nalang raw itong binuhusan ng gasolina ni Marites.


Nahatid naman sa hospital ang biktima ngunit hindi sapat ang pera nila sa gastusin sa hospital, nang mahuli si Marites, pumunta agad si Ponciano para iatras ang reklamo.


Pero nitong Miyerkules ng gabi, isinugod si Liñan sa ospital at idineklarang dead-on-arrival dahil sa komplikasyon sa mga sugat na kaniyang tinamo dahil sa sunog.


“Masakit pero tatanggapin na lang namin kasi hindi naman kami nagkulang sa pagpapaalala na makipaghiwalay na siya. Pero ayaw niyang hiwalayan,” sabi ni Jocelyn Muraca, kapatid ng biktima.


Nais ngayon ng pamilya ni Liñan na ituloy ang kaso dahil hindi raw ito ang unang beses na sinaktan ni Sumampong ang biktima.


Ayon sa pamilya, dati nang sinugatan ng suspek ang ari ng biktima gamit ang blade, “Para magkaroon ng hustisya para sa anak ko kaya itutuloy ko ang kaso. Pagkatapos ng libing, pupunta kami sa munisipyo, sa pulis, para ipa-blotter at makulong siya,” sabi ni Lolita Liñan, ina ng biktima.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive