Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Napalitan daw ang isang sanggol na isinilang sa hospital sa Rizal


Isang sanggol ang isinilang sa hopital ng Rizal ang di umanong napalitan raw ito, kapansin pansin sa larawan na hindi mag kamukha ang sanggol na isinilang ng ina.


Nung una masaya pa raw si Aphril sa operating room nag request pa itong makita ang kanyang anak at maluha luha pa ito sa sobrang saya ng makita niya ang kanyang anak.


Matapos ang ilang oras nilipat sa kwarto nila ngunit pagka abot daw ng bata sakanya naramdamang parang iba ang naibigay sakanya at hindi daw masaya ang ina.


"Nu’ng pagkaabot sa akin, sabi ko bakit parang iba ‘yung naramdaman ko? Parang hindi ako masaya. Para bang walang lukso ng dugo!" Sinabi ng Aphril.


Kapansin pasin din na iba ang mukha ng baby na inabot sa ina ang batang isinilang niya ay medyo pango pero ang ibinigay sakanya ay matangos daw ang kanyang ilong.


"‘Yung tita ko, napansin niya rin na iba ‘yung araw ng pagkapanganak at ‘yung name tag! Sifiata dapat ‘yun kasi ‘yun ang apelyido namin. Pero itong nasa bata, iba na!" Saad ng Ina.


Malakas ang kutob ng ina na hindi niya anak ang binigay sakanya may mga larawan sila ng bata hindi talaga niya ito kamukha.


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive