Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ama, nananawagan ng donasyon na breast milk at diapers para sa kanyang triplets na anak



Sa isang iglap, namatay ang asawa ni Joel Regal matapos itong manganak ng triplets. Si Joel ngayon ang nagsisilbing haligi at ilaw ng tahanan para sa kanyang mga anak.


“Hindi ko talaga tanggap kasi excited siya. Excited siyang makita ang mga anak niya tapos gano’n ang nangyari,” ayon kay Joel


Dahil sa nangyari, nananawagan ng tulong at donasyon ng breast milk at diapers para sa kanyang mga anak Naantig naman dito ang mga netizens.


“Gusto ko lang silang makasama. Yung makita ko lang ang mga ngiti nila, masaya na ako doon,” dagdag ni Joel.


Ginagawa ni Joel ang lahat upang magpakatatag para sa kanyang tatlong mga anghel.

Lubos na nagpapasalamat ang magiting na ama para sa lahat ng tumutulong sa kanya.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive