Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang pamilya, nakaipon ng maraming pera na halos mapuno ang dalawang kama

Hindi karamihan sa mga Pilipino ang nagiipon sa panahon ngayon dahil sa rin sa mahal ng mga bilihin at sa dami ng binabayaran. Ngunit isang pamilya ang nagpakita ng disiplina sa sarili at nakaipon ng sandamakmak na pera.


Pinamangha ng pamilya ni Abby Sarmiento Mendoza ang mga netizens nang ibahagi nila ang kanilang matgumpay na Ipon Challenge na halos mapuno ang dalawang kama ng pera na kanilang naipon.


Higit sa isang taon ang kanilang pagiipon at nakaipon ng malaking halaga.


Makikitang sakop ng perang papel ang isang kama at nakalubog naman ang mga barya ang kabila.


Ginamit nila sa pagiipon ay isang babasagin na salamin na ginagamit na drop box ng raffle tickets sa mall upang hulugan ng mga pera.


Ibinahagi nila ito para bigyan ng pagasa ang kapwa Pilipino na magipon, disiplina sa sarili ang kailangan para makatipid. (Larawan: Abby Sarmiento Mendoza)


 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive