Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Jeep driver sa Tagaytay, inatake sa puso habang may pasahero sa byahe

Inatake sa puso ang isang jeepney driver na kinilala bilang si tatay Pepe habang binabaybay nito ang kahabaan ng Mahogany ave. sa Tagaytay City, probinsya ng Cavite.


Ayon sa mga pasahero ng naturang jeep, kahit inatake na ng sakit ang driver ay dahan dahan nitong itinigil ang jeep upang maging ligtas ang mga sakay na laking pasalamat ng mga ito.


“Bigla kami itinigil ni manong driver sa harap Ng Tagaytay Supreme Court at sinabing; Hindi ko na Kaya! Napaiyak ako!" ayon sa isang pasahero nito.


"At that time naisip ko Lord tulungan mo si Tatay makauwi pa Ng buhay sa family nya! At salamat Lord buhay pa kami at safe na nakababa! Salamat Tatay! May God bless you!" dagdag nito.


Agad naman tumulong ang mga pasahero at ibang jeepnet driver upang mailigtas ang driver sa bingit ng kamatayan.


Ngunit sa kasamaang palad ay binawian din ito ng buhay si tatay pepe. 




Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive