Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isko Moreno tatakbo sa pagka-pangulo kasama si Willie Ong bilang VP sa Eleksyon 2022

Tatakbo si Manila Mayor Isko Moreno bilang pangulo sa darating na Eleksyon 2022 habang ang dating kandidato sa pagka-senador na si Willie Ong ang kanyang magiging mate sa pagk bise presidente, kinumpirma ito ng Manila City Public Information Office.


Kinumpirma din ng campaign manager ni Moreno na si Lito Banayo ang paghabod ni Moreno sa pinakamataas na posisyon ng bansa.


Ang pormal na anunsyo ng Moreno-Ong tandem ay gaganapin sa Setyembre 22, Miyerkules, dagdag ni Banayo.


Pinili ni Moreno si Ong bilang kandidato para sa bise presidente sapagkat ang huli ay maaaring makatulong sa pagtugon sa COVID-19 pandemya.


"Tuloy ang gobyerno. We’re still here. I’m going to have to do what I have to do as the Mayor," saad ni Moreno.


"Itong tambalan na ito ay pinag-isipan nang mabuti. Ayaw namin na political marriage. 'Yung nag tambalan kasi malakas sa ganitong probinsya sa ganitong rehiyon," ayon kay Banayo.


Ang alkalde ng Maynila ay ang leader ng Aksyon Demokratiko political party.

 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive