Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

26 na miyembro ng isang pamilya, patay dulot ng landslide


Lubos ang pagluluksa si Mantessa Polvera matapos mamatay ang 26 na kaanak sa isang landslide sa Sitio Waterfalls, Brgy. Mailhi sa Baybay City, Leyte.

Kinailangang umuwi ni Mantessa sa probinsya na mula pa sa Maynila nang maibalita sa kanya ang nangyari.



Kabilang ang kanyang ama, ina, tatlong mga kapatid, mga pamangkin, tiyahin at tiyuhin sa mga namatay.

May iba pa siyang mga malalayong kamag-anak na kabilang din sa natabunan sa landslide na hindi pa nahuhukay ngunit patuloy pa rin ang paghahanap.

"Kahit patay na sila makita man lang sila at mailibing man lang sila nang maayos, kahit yun lang naman po yung maibigay namin," ani Mantessa sa isang interview.


Sa Brgy. Mailhi at Kantagnos na lang ang patuloy ang search and retrieval operations, habang itinigil na ang paghahanap ng mga bangkay sa ibang mga barangay. 

Umabot na sa 101 ang naitalang nasawi sa paghagupit ni "Agaton."




(Larawan ABS-CBN, News5)
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts