Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na hindi na sila tatanggap ng walk-in applicants sa pamamahagi ng educational assistance upang maiwasang maulit ang pagsisiksikan tulad ng naunang payout.
Narito ang link kung saan pwede magregister para sa educational assistance:
https://bit.ly/3dB9mSg
Pwede din magpadala ng email sa:
[email protected]
Sa ilalim ng programa, ang mga mahihirap na mag-aaral sa elementarya ay bibigyan ng P1,000; high school students, P2,000; senior high school students, P3,000; at mga mag-aaral sa kolehiyo o bokasyonal, P4,000.
Ang educational assistamce ay nasa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD, na nagbibigay ng tulong sa mga estudyanteng nasa krisis.
Samantala, Pinasalamatan ni Secretary Tulfo si Secretary Abalos at ang DILG sa agarang pagtulong para mapadali ang gagawing pamamahagi pa ng Educational Assistance sa mga itinuruting na students-in-crisis sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa pamamagitan ng kasunduan na ito ay mas malapit at madali na ang proseso nang pagtanggap ng Educational Assistance ng ating mga nangangailangang mag-aaral.
1week na po akong nakapag register sa Educational Assistance Cash Assistance po para sa dalawang Anak ko na Grade 5 sa Isabelo Delos Reyes Elementary School District 1 Manila Ako po si Ronaldo Gabini Isidro 43 yrs old Solong Ama't ina sa tatlong Anak ko at isang Extra Rider's lang po ako 350 lang ang araw ko
ReplyDelete