Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maayos at agarang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga estudyante.
Ito ay matapos dumagsa ang libu-libo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) central office para mag-avail ng educational aid.
"Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development na siguruhin ang maayos at mabilis na payout ng educational assistance para sa students-in-crisis na bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation" ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Binabantayan ni Marcos ang pamamahagi ng DSWD ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong estudyante, ani Cruz-Angeles.
Sa isang press conference, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na lalagdaan ang ahensya sa isang memorandum of agreement sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para maiwasang maulit ang hindi makontrol na mga tao na nagkampo sa labas ng central office.
Ang DSWD ay naglaan ng PHP500 milyon para sa cash aid para sa mga indigent students -- PHP1,000 para sa elementarya, PHP2,000 para sa high school, PHP3,000 para sa senior high school, at PHP4,000 para sa mga nasa kolehiyo o kumukuha ng vacational courses.
Dapat ipakita ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang kanilang enrollment certificates at school identification card sa mga tanggapan ng DSWD.
Ang tulong ay ipapamahagi sa DSWD central office, regional, provincial, at iba pang lokal na tanggapan para sa anim na Sabado hanggang Setyembre 24.
No comments:
Post a Comment