Travel. News. Migrants. Economy. Health

Digital distribution ng SAP 2nd tranche, sisimulan na ngayong Hulyo


Sisimulan na ang digital distribution ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa susunod na linggo, pag-aanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Lunes (Hunyo 29).


Ayon sa ahensya, nakipag-ugnayan na ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas  (BSP) upang mapabilis ang paghatid ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng second tranche ng SAP.

"Tinatapos na lamang ng DSWD ang mga importanteng detalye sa distribution process ng SAP second tranche kasama ang mga FSP (financial service providers). Inaaasahang magsisimula ang digital distribution sa susunod na linggo," sabi ng DSWD sa isang pahayag.

Ayon sa DSWD, mayroon Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng BSP at ng ahensya para sa digital disbursement ng ikalawang ayuda. Sa ilalim ng napagkasunduang argumento, nakatalaga ang BSP sa pag-assist sa DSWD pagdating sa technical discussion kasama ang mga partner FSP upang masiguro na magiging epektibo ang implementasyon ng account-based at electronic disbursement ng cash assistance.

Paliwanag ng DSWD, sa pamamagitan ng digital disbursement, maaaring kunin ng mga benepisyaryo ang kanilang ayuda sa mga bangko o e-money accounts na mayroon ang mga awtorisadong FSPs.
Share:

19 comments:

  1. Panu namn po ung nag regestr na reliefagad, na pumili ng remitance sa,palawan,. Uulit paba? ,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa akin din wala akong bank account or ATM sa mhluier poh

      Delete
  2. Panu po umg cash out san pokukunin ung second tranches?

    ReplyDelete
  3. Pano po pag Palawan dahil wala po ako gcash at ATM?

    ReplyDelete
  4. Sure po b na mkakakuha ang mga nkpirma ng sap form last may 22 nkapirma ng form at wala nkuha ng 1st tranche..anong pag asa nmen mkakuha pki sagot lng po ng maliwanag at malinaw salamt dswd...

    ReplyDelete
  5. Sa akin po cash po Yun dahil wala akong atm at bangko

    ReplyDelete
  6. kaylan po ang lusacan tiaong quezon

    ReplyDelete
  7. Paanu po update ung name ng ngregister sa reliefagad po pra mapalitan ung cash ang inilagay papalitan po ng cash disburshment

    ReplyDelete
  8. Sana as soon as possible wla na tlaga mahugot nga nga pag nagkataon. Pls

    ReplyDelete
  9. Paano po ung akin tiyahin kahit unang ayuda ehh ala pa pangalawa pa kaya lalo na ngaun ala parin trabaho mester ko paano na kame mag anak kakain sobrang gotom na....

    ReplyDelete
  10. sana naman po sure na yung sinabi nyong.date dahil ang.tagal na po naming hinihintay yung.ayudang ibibigay nyo .at sana rin po ay huwag na di.matuloy.yung biyayang ibibigay nyo dahil.matagal na.po naming hinihintay yan.salamat po

    ReplyDelete
  11. pano po unq pinili na sa lgu. kukunin unq pera . pipila po ba ulit kami ?? di ko kc nakita na meron palanq palawan or cebuana na pwedinq piliin .

    ReplyDelete
  12. paano po un form na pinil upan namin sa dawd wala pa ako nakukuha kahit isa sa dto sss dole kc hindi na ata ilaply ng boss ko tapos wala pa wrk kasi online clases isa ako staff sa private school.wala wrk hanggang ngaun may atm me

    ReplyDelete
  13. nasa sure na po yan kasi simula pa ng may nag fil up na ako ng form from dswd sabi tatawagan me hanggang wala pa may sss ng hindi namin ata inikaso ng boss namin isang staff ako private school dto sa mandaluuong city no work no pay.

    ReplyDelete
  14. Sana naman mapadali na marami ng nagugutom at nawawala na sarili lahat ay inasa asahan ang ayuda ng gobyerno para makapag simula...wala naman din trabaho karamihan kaya sana madaliin na ito.salamat

    ReplyDelete
  15. Pano po ung nagkamali sa acct.# ng banko kc ung naregister po ay card#.sa relief.agad ?

    ReplyDelete
  16. Pano po yong hndi nag registerd sa relief agad san kukuha ng ayuda

    ReplyDelete

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive