Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

4-anyos na bata patay matapos umano gahasain; 17-anyos na binata suspek


Halos gumuho ang mundo ng isang ama matapos mabalitaang ginahasa at pinatay ng isang binatilyo ang kaniyang apat na taong gulang na anak sa Caloocan City.


"Hindi ko po kayang tingnan... Napakasakit po sa akin... Tatay po tayo eh. Hindi na nga po ako nakatulog kagabi dahil kagabi umiiyak na din kami," lahad ni "Ruben," hindi tunay na pangalan ng ama.

Kwento ni Ruben sa mga pulis, iniwan niya ang kaniyang anak sa isang palaruan sa kanilang compound noong Linggo ng tanghali ngunit nang balikan niya na ito dakong alas-kwatro ng hapon ay wala na ito roon.

Isang residente ang nagsumbong at nagsabing isang 17-anyos na binata ang huling nakasama ng bata. Dito na rin natagpuan ng mga pulis ang katawan ng bata sa likod ng bakuran ng isang abandonadong bahay.

Isasailalim ngayon ang suspek sa isang drug test. Kinasuhan na rin ito ng with homicide ngunit dahil menor de edad, hindi pa tiyak kung makukulong ito.
Share:

5 comments:

  1. kulong Nayan namimihasa KC Yan DHL minor..sa ibng bansa kht minor ka kulong ka para tumanda dapt ganun din dto sa pinas..kakagigil Yan sarap din Nako poh😠😠😠

    ReplyDelete
  2. hnd nmn sa pag aano..condolence po s family n baby..pero bakt ksi iniwan ang bata ng halos 4 hrs. wlang ksma! sa pumatay at gumahasa dpat kulong kht 17 lang kya mga kbtaan hnd takot gumawa ng gnyan ksi alam nla hnd sila mkkulong...sna gyahn s america kht menor de edad kinukulong pra madala!!!

    ReplyDelete
  3. Tanong nyo kay kiko pangilinan.kung binaba sana ang edad tyak kulong yan pinataas ni kiko matsing. Tapos san na ang CHR na magaling mangkontra sa batas

    ReplyDelete
  4. Habang buhay na pagkakabilanggo! Rip sa bata.. Tsk tsk

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog archive