Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

76-anyos na Lola, iniwan sa ilalim ng tulay sa Maynila; 3 salarin kinasuhan na


Kaawa-awa ang naging lagay ng isang 76-anyos na matanda matapos abandunahin sa ilalim ng tulay sa Maynila noong Miyerkules.


Kinilala ang matanda bilang si Lola Leticia Tan. Nag-viral ang kaniyang mga larawan sa ilalim ng tulay matapos itong kunan ng litrato ng isang concerned netizen.

Tinukoy naman ang mga suspek bilang si Emerita Decilio, 60, isang vendor; ang tricycle driver na si Rogelio Espino, 53 at Ephraim Tan Yap na pamangkin ni Lola Leticia.

Base sa pagsisiyasat, nagpatulong si Ephraim kay Decilio na ipasok sa isang Missionary of Charity ang matanda. Ngunit dahil bigo ito sa kaniyang plano, inutusan at binayaran niya na lamang si Decilio na hanapan ng matitirhan ang tiyahin.

Agad namang umaksyon si Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at sinabihan ang pulisya na ihanda na ang mga kasong maaaring ipataw sa mga suspek.
Share:

2 comments:

  1. Walang puso ang mga anak 😭😭😭😭😭

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive