Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bagong recruit na Pulis, tumulong sa pagpapaanak sa Ginang sa Davao City


Hindi nagdalawang isip na tumulong ang mga bagong recruit na pulis nang biglang mapansin ang isang Ginang na malapit ng manganak at naghihintay ng masasakyan sa papuntang hospital sa MacArthur Highway in Matina Crossing, alas sais ng umaga nitong Martes.


Ayon sa Davao City Police Office, kasalukuyang nasa field training ang mga baguhang pulis nang mapansin nila ang isang babaeng nakararamdam na ng pananakit ng tyan.

Agad na tinulungan ng mga pulis ang Ginang at dinala sa police station upang humingi ng tulong sa kanilang duty nurse.

Nang makapanganak, agad na itinakbo ng mga pulis ang mag-ina sa Sanitarium Hospital Bangkal nang sa gayon ay agarang mabigyan ng atensyong medical.

Pinuri naman ni Talomo Police Station Commander Lt. Col. Ronald Lao ang mga naturang pulis sa agarang pag-responde sa inang nangangailangan ng tulong.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive