Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ice cream vendor, binawian ng buhay sa sariling motorsiklo habang naglalako


Natagpuang patay ang isang ice cream vendor sa kaniyang sariling motorsiklo habang naglalako ng kaniyang mga paninda sa Desa Ledokombo, East Jawa, Indonesia.


Noong una ay inakala lamang na nagpapahinga at natutulog si Misyanto, 66-anyos sa kaniyang sasakyan hanggang sa isang residente na ang nakapansin na parang bang may mali sa lalaki.

Base sa ulat, hinihinilang labis na pagod ang naging sanhi ng pagkamatay ni Misyanto dahil sa walang humpay na pagkayod nito para sa pamilya.

"Sinabi ng kanyang mga miyembro ng pamilya na lagi siyang magrereklamo sa pagkakaroon ng sakit sa ulo at paghihirap sa paghinga. Gayunman, iginiit niya na ibenta ang kanyang mga ice cream," ayon sa Pulisya.

Sa ginawang pagsisiyasat, walang nakitang kahit anong bakas ang mga pulis na makakapagturo kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Misyanto. Wala rin sa kaniyang mga kagamitan ang napansing nawawala.
Share:

1 comment:

Popular Posts

Labels

Blog Archive