Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lasing na sundalo sa Bohol namaril ng sibilyan; biktima patay


Patay ang isang 70-anyos na matanda matapos umaning pagbabarilin ng isang lasing na sundalo sa Buen Unido, Bohol noong Lunes.


Ayon sa mga pulis, kasalukuyang nakikipagkwentuhan si Lolo Leopoldo Sanigan nang bigla itong lapitan ng lasing na si  Corporal Raymond Casiple.

Inakala raw ng suspek na siya ang pinag-uusapan nina Leopoldo at ang kaniyang kasama. Dahil dito nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa bigla na lamang barilin ni Casiple ang matanda.

Agad naman sumuko ang si Casiple at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive