Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Misis, nagahasa matapos patuluyin ni Mister ang kaniyang pinsan sa kanilang bahay


Nagawa pang gahasain ng isang lalaki sa Bulacan ang asawa ng sarili nitong pinsan matapos siyang patuluyin sa kanilang tahanan.


Kwento ng biktima, birthday ng isa sa kanilang pamangkin kung kaya nagkaayaan na mag-inuman kasama ang suspek.

Dahil malapit na kamag-anak ng mister ng biktima ang suspek, napagdesisyunan nilang patulugin na lamang ito sa kanilang tahanan upang hindi abutan ng curfew.

Pagkagising sa umaga, nagulat na lamang daw ang biktima at wala na ito damit pang-ibaba. Agad nitong ginising ang mister at nagtungo sa pulisya upang magreklamo.

Agad namang nahuli ang suspek sa kaniyang tahanan, dito na rin siya umamin na may katotohanan ang ibinibintang sa kaniya.

Palusot niya, nagawa niya lamang iyon dahil sa impluwensiya ng alak. Humihingi ito ng kapatawaran sa biktima sa mismong pinsan.
Share:

1 comment:

Popular Posts

Labels

Blog Archive