Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Raffy Tulfo humanga sa obra ng isang PWD, binigyan ng 100,000 pesos


Labis na tuwa at pagkamangha ang nadama ni Raffy Tulfo matapos matanggap ang kaniyang guhit na larawan na obra ng isang person with disability (PWD).


Ang naturang obra ay iginuhit ni Mark Agcaoili gamit lamang ang kaniyang paa.

Nang makausap ni Idol Raffy si Aling Marites, ina ni Mark, ipinahatid nito ang kaniyang labis na pasasalamat sa obrang inihandog para sa kaniya.

Kwento ng kaniyang ina, grade one pa lamang ay natutunan na raw gumuhit mag-isa ng kaniyang anak na si Mark.

Bukod kay Raffy, naiguhit na rin ni Mark ang larawan ng dating Miss Universe na si Catriona Gray, at Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Bilang tulong, binigyan ni Raffy Tulfo si Mark at ang kaniyang ina ng P100,000 pandagdag sa kanilang araw-araw na pangangailan.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive