Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tali ng saranggola, salarin sa pagkamatay ng rider sa Vigan



Patay ang isang driver ng motorsiklo matapos malaslas ng kaniyang leeg ng sumabit na tali ng saranggola habang tinatahak ang isang kalsada sa Vigan City, Ilocos Sur. 


Ayon sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan," Lunes (Septyembre 21), kinilala ang biktima bilang si Benedict Paiste, 36-anyos, isang electrician.


Nagtamo si Paiste ng matinding sugat dahilan upang tamaan ang kaniyang lalamunan at malalaking ugat sa leeg na siyang sanhi ng kaniyang pagkamatay.


Namataan na lamang siya ng mga tao na duguan sa Bypass Road sa bahagi ng Barangay  Cabalangegan sa nabanggit na lungsod.


Isinugod siya sa ospital ng mga rumespondeng tao ngunit hindi rin naisalba ang kaniyang buhay.


Isang Alvin Reintegrado tinuturong may-ari ng saranggola ngunit itinanggi niya ito dahil napatid umano ang tali ng kaniyang saranggola nang mangyari ang insidente.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive