Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ina, maga ang mukha matapos hatawin ng tabla ng sariling anak


 

Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang ina mula sa Lal-lo, Cagayan dahil umano nakaranas ito ng pananakit sa kamay ng sariling anak.


Sa mga larawan, kita ang pamamaga ng mukha ng biktima habang umiiyak sa sakit na sinapit sa anak.


Ayon sa ulat, isang Marlon Siriban Jr.  ang walang awang  pumalo ng tabla sa biktima hanggang sa ito ay masira.


Nanawagan ngayon ang mga kapatid at iba pang kamah-anak ng biktima sa awtoridad nang sa gayon ay madakip at managot ang mapang-abusong anak.


Labis naman ngayon ang galit ng madla sa kawalanghiyaang ginawa ng suspek sa sariling ina.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive