Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

OFW na tinulungang makauwi ni Raffy Tulfo, namatay habang nasa byahe


Hindi na umabot ng buhay  ang isang overseas Filipino worker na si Leonida Morales na tinulungan ni Raffy Tulfo upang makauwi ng Pilipinas.


Si Morales ay dumulog kay Tulfo upang makahingi ng tulong para sa kaniyang iniindang sakit.


Nais nitong makauwi sa bansa dahil hindi siya makapagpagamot sa Saudi Arabia sa mahal ng medical treatment.


Agad naman itong tinulungan ni Tulfo upang makabalik sa Pilipinas ngunit sa kasamaang palad naiulat na pumanaw ito sa kalagitnaan ng kaniyang byahe.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring magpapaabot ang team ni Tulfo ng tulong sa mga naiwang pamilya ni Morales.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive