Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kolehiyala na summa cum laude candidate, pinatay umano ng dating nobyo

Larawan mula sa GMA NEWS

Patay ang isang dalaga matapos umanong pagsasaksakin at pagnakawan sa loob ng kanilang tahanan sa Olongapo City.


Ayon sa ulat ng "GMA News," kinilala ang biktima bilang si Jennifer Dela Cruz-Ablaza, kandidata sa pagiging summa cum laude sa pagtatapos nito sa kursong BS Education.


Tadtad ng saksak sa leeg ang biktima nang matagpuan ito sa kanilang bahay noong Nobyembre 2. 


Tinangay ng suspek ang kaniyang P4,000 salapi at mga alahas. Mabuti na lamang at naiwan ng salarin ang isang itim na leather wallet kung kaya agad itong nadakip.


Ayon sa kapatid ng biktima, pag-aari ng dati nobyo ni Ablaza ang nasabing wallet.


Nadakip na ito sa San Marcelino, Zambales at kasalukuyang nahaharap sa kasong robbery with homicide.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive