Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kris Aquino, nakaramdam ng sintomas ng COVID-19; buong team sumailalim sa PCR test



Ikinwento ng Queen of all Media na si Kris Aquino ang kaniyang ikalawang COVID-19 scare matapos magpositibo sa sakit ng kaniyang driver.


Sa isang Instagram post noong November 7, ibinahagi ni Aquino na lahat ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho ay sumailalim sa PCR testing para sa kaniyang TVC shoot. Sa kasamaang palad, lumabas sa resulta na positibo sa sakit ang kaniyang driver.


“The client was informed immediately, i didn’t do my pre-shoot recording on the 4th, on the 5th we all did the antigen test and we were still all negative," sabi ni Aquino.


Ayon sa aktres, ang driver ang naghahatid-sundo sa kaniyang buong team at pati na rin sa kaniyang anak na si Bimby sa homeschooling teacher nito.


Dagdag ni Kris, bigla na lamang siyang inubo na may kasamang pananakit ng ulo at lalamunan. Nakaranas din siya ng pagbabara sa ilong at pagtaas ng prisyon na nasa 150/100.


Sumailalim muli ang buong team ni Aquino sa isa pang PCR test at laking tuwa nila nang malaman na sila ay negatibo lahat sa virus. Gayunpaman, nananatiling naka-isolate ang aktres para sa kanilang sariling kaligtasan.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive