Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mag-asawang Robin Padilla at Mariel, pinatayuan ng bahay ang kanilang mga kasambahay


 Pinagawan ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ng sariling apartment ang kanilang mga kasambahay sa loob ng kanilang compound.


Ayon sa mag-asawa na-isip nilang pagawan ng bahay ang kanilang mga kasambahay matapos nilang magpadala ng ayuda noong nagka-lockdown na sanhi COVID-19  pandemic.


Nang makita ni Robin ang tinitirhan ng mga kasambahay nila, agad siyang nagpagawa ng apartment sa compound ng Museo Padilla kung saan agad na lumipat ang pamilya ng kasambahay nila dahil dito hindi napigilan mapaluha nang magpasalamat ang mga kasambahay sa mag-asawang Robin at Mariel.


"Nagpapasalamat po ako dahil napapunta ako sa pamilya niyo," sabi kay Mariel ni Yaya Jo, ang midwife na tatlo at kalahating taon nang namamasukan kina Mariel at Robin.


Dagdag pa niya "Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo."


Ito ay patunay lang kung gaano kalalim ang pagmamahal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanilang mga kasambahay, Itinuturing narin nila silang bahagi ng pamilya na talaga namang nakaka-mangha.


Sabi ni Mariel, "It is because they showed us loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto naming suklian ng pagmamahal din yung ipinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin."


Maraming netizens ang bumilib ang humanga sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ng kanilang bigyan ng pagpapahalaga ang kanilang mga kasambahay.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive