Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

OPM icon na si April Boy Regino, pumanaw na sa edad na 51


 Namayapa na ang ang sikat na OPM singer na si April Boy Regino nito lamang Linggo (Nobyembre 29) sa edad na 51.


Ang nakakalungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kaniyang kapatid na si Vingo Regino sa pamamagitan ng kaniyang facebook account.


“Nakakalungkot naman ang araw na ito…wala na ang Kuya April Boy ko,” sabi ng naulilang kapatid sa kaniyang Facebook post.


Noong 2009, unang na-diagnosed si April Boy ng prostate cancer ngunit taong 2013 ay siya naideklara ring cancer-free.


Noon namang 2015, napagalaman ng mang-aawit na siya ay may diabetic neuropathy na kung saan unti-unting nawawala ang kaniyang paningin dulot ng diabetes.


Sikat si April Boy sa kaniyang mga awiting "Di Ko Kayang Tanggapin" at "Paano ang Puso Ko."

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive