Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tanod na nagsipag ang pag-aaral, nagtapos ng cum laude at license civil engineer na ngayon


 Viral sa social media si Janryll Tan mula sa Barangay Kalubihan, Cebu City, na dating isang baranggay tanod sa gabi para ipagtaguyod ang kanyang pagaaral.


Nakapagtapos si Janryll sa kursong Civil Engineering at nag graduate bilang isang cum laude. 


Ayon sa ama nito na si Jerry, pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagiging tanod. Malimit niyang nakikita na isinisingit ng kaniyang anak ang pag-aaral habang nagbabantay sa barangay hall. 


Ganap na ngayong engineer matapos pumasa sa licensure examination. Ngayong pasado na siya’y bittersweet ang kaniyang nararamdaman sa pag-iwan niya sa trabaho sa barangay.


Payo ni Janryll ay huwag panghinaan ng loob kung nakakaranas ng hirap gaya niya dahil tulad niya ay kaya rin ng iba na magbalanse ng oras, lalo at may suporta ng mga mahal sa buhay. (Larawan ABS-CBN)

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive