Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Contruction worker, patay matapos umanong pagkamalang holdaper ng pulis


 Patay ang isang construction worker matapos umanong mapagkamalang holdaper at barilin ng isang pulis nitong January 02 sa Sta. Rita, Pampanga. 


Nakilala ang biktima na si Federico “Tek” Pineda na kagagaling lang sa birthday ng kaniyang anak nang pagbintangan ni Corporal Eframe Ramirez na nanaksak at nagnakaw sa isang computer shop. 


Ayon kay Police Capt. Renemer James Pornia, hepe ng Sta. Rita Police, sumakto sa description ng suspek si Pineda kaya ito napagkamalan.


“During po ng dragnet operation, bigla pong sumulpot dun po sa area malapit po sa incident na same description po nung suspek po natin, so ang nangyari po, finlagdown siya however, nag-evade po siya at dinisregard po niya yung patrol officer po natin. Nagkahabulan po sila, and while 'yung patrolman po natin is nasa motorcycle po, when he drew his firearm, accidentally po nakalabit niya, yung victim po natin is tinamaan," aniya.


Kagagaling lamang sa kaarawan ng anak nito nang mangyari ang insidente. Inihatid niya ang kaniyang tiyuhin sa malapit na sabungan kung saan nakita ring pumasok ang suspek sa pagnanakaw.


Nagkataon umanong parehong nakasuot ng puting sando si Pineda at ang suspek kaya napagkamalan ito.


Pinakulong na ni Gov. Dennis Pineda si Ramirez habang iniimbestigahan. Nanawagan ng hustisiya ang pamilya ng biktima. 

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive