Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang Lazada online shopper ang ikinasal sa delivery boy


Ang delivery boy na si Marlon Cajucom ang nagbahagi sa facebook kung papaano nagsimula ang love story ng kanyang customer.

"Naalala ko pa nung una kong nakilala lagi akong excited pumasok lagi sa trabaho para i-check kung mababasa ko ba ang pangalan mo sa runsheet ko tuwing umaga!" sinabi ni Marlon.

Nagsimula ang istorya noong naging regular na cutomer na si Jhasin May Benito at ang ina na si Mary Grace na regular customer din.

"One time nakapagdeliver po ako sa kanila, late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagdedeliver pa ako noong time na yun," ayon kay Marlon.
 
Nagtanong daw ang ina na si Mary Grace kung bakit napakasipag nito kahit wala naman daw binubuhaybna pamilya, ang naging sagot naman ni Marlon ay kasama raw sa kanyang pangarap ang mag pursige sa buhay.

Kaya naisipan itong ipakilala kay Jhasin katapos ng maraming parcel deliveries at ang dalawa ay nagkakilala pa ng lubusan hanggang sa sila ay ikasal.

"Nov. 5 officially naging kami. Last Jan. 26, nagpakasal na po kame," Saad ni Marlon.


Ayon naman kay Jhasin si Marlon ay hindi lang basta masipag kundi siya ay maaalahanin dahil noong siya ay nanliligaw nagagawa pang mag bigay ng bulaklak ni Marlon kahit na sobrang dami nitong trabaho.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive