Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mambabatas, nag-alok ng pabuya na P100k para maaresto ang mga suspek sa kaso ni Christine Dacera


 Ayon sa mambabatas may alok ng P100,000 na pabuya sa bawat suspek na maaaresto kaugnay sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.


"Hustisya ang panawagan natin at tiyaking mapanagot ang mga sangkot sa karumal-dumal na krimen na ito," pagkondena ni ACT-CIS party-list Representative Eric Yap.


Natagpuan ang bangkay ni Dacera sa isang hotel room sa Makati City matapos na dumalo sa New Year's party kasama ang mga katrabaho at iba pang bisita na hindi niya umano itong kilala.



Sa 11 katao na hinahanap kaugnay sa nangyari kay Dacera, tatlo na ang naaresto na kinilala ng Philippine National Police na sina John Pascual Dela Serna III, 27-anyos, Rommel Daluro Galido, 29-anyos, and John Paul Reyes Halili, 25-anyos.



Samantala, pinaghahanap pa sina Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang Ed Madrid, at isang Paul.


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive