Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Vico Sotto, inaming 'No Girlfriend Since Birth' at 'waiting for the one'


Sa isang TV show, "Bawal ang Pasaway", ay inamin ng Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi pa ito nagka-girlfriend kailanman at nagbirong ngayon ay tumatanggap na ng aplikante.


"Wala ho. Masyadong naging busy, lalo na po ngayon. Busy sa trabaho", tugon ng Mayor nang tanungin sya ni Winnie Monsod, host, kung nakailang nobya na ba ito.

Sa kabilang banda, umaasa naman ang 30-year-old Mayor na maikasal bago pa man ito umabot sa edad na 40, kung kaya tumatanggap na ito ng aplikante.

Dagdag pa niya, ang kaniyang "dream girl" ay babaeng matalino na makakasabay sa kaniya sa usapang pamamalakad at politika.

"Ang gusto ko ho sana, hindi naman tayo magiging choosy no, gusto ko sana 'yung matalino, may itsura naman, wala namang special talaga,” saad niya.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive