Travel. News. Migrants. Economy. Health

DILG: 397 baranggay officials kinasuhan na kaugnay ng SAP


Sinampahan na ng kasong kriminal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 397 baranggay officials na dawit umano sa anomalya sa Social Amelioration Program (SAP).


Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kabilang ang 397 officials sa 663 indibidwal na iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).

"Sa kabuuan, 663 indibidwal ang iniimbestigahan ng PNP-CIDG, 267 sa mga ito ay elected barangay officials at ilang local government officials. Ang natitirang 396, ay mga empleyado ng gobyerno at mga sibilyan na kasabwat ng mga local officials," sambit ni Año sa isang pahayag.

Babala ni Año, hindi makalulusot ang mga baranggay official na gumawa ng kalokohan sa unang tranche ng SAP dahil marami pang mga kaso ang isasampa sa mga susunod na linggo.

Paninigurado ni Año, tutugunan ng DILG ang 460 pang reklamo kaugnay ng anomalya sa SAP sa tulong ng Department of Justice.
Share:

2 comments:

  1. kasama na ba jan ang barangay 169 Caloocan....

    ReplyDelete
  2. tsk tsk yung dasmarinas city cavite fatima 3 phase 4 kasali narin po dyan

    ReplyDelete

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive