Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaking sangkot sa pagnanakaw sa ilang mga simbahan, arestado


 

Arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa CCTV ang kaniyang pagnanakaw sa isang simbahan sa San Juan City noong Agosto 28.


Sa social media post ng pari ng Sanctuario del Sto. Cristo, makikitang nagdasal muna ang lalaki bago gawin ang masamang balak.


Pagkatapos magdasal ay nagtungo ito sa altar dala ang isang asul na eco bag at saka rin ito dali-daling umalis.


Ayon sa Pari, tinangay ng lalaki ang tv monitor ng simbahan na ginagamit para sa kanilang online mass.


Ang lalaki ay naaktuhan din ng pagnanakaw sa Holy Family Parish Church noong Septyembre 2 at sa Our Lady of Mercy Shrine noon namang Septyembre 17 sa Novaliches, Quezon City.


Kinilala ang suspek bilang si Orleans Victorio. Nahaharap ngayon ito sa kasong theft matapos magsampa ng reklamo ng mga kawani ng simbahan na kaniyang nabiktima.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive