Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Madam Auring, pumanaw na sa edad na 80


Namayapa na ang sikat na aktres at manghuhula na si Aurea S. Erfelo o mas kilala bilang Madam Auring sa edad na 80-anyos.


Sa panayam sa kaniyang apo na si Daryl Simon Pecson nito lamang Biyernes (Oktubre 30), nakumpirma ang pagpanaw ng aktres.


"#RestInPeace my Lola ???? few days ago binisita kita magkausap lang tayo, dinalhan kita ng mga pasalubong," saad ni Daryl sa kaniyang Facebook post.


Samantala, hindi pa inilalahad ng mga kaanak ni Madam Auring ang naging sanhi ng kaniyang pagpanaw. Ngunit, ayon sa sa isa niya pang apo na si Mike Gibran huling nagdiwang ng kaarawan ang kaniyang lola sa ospital noong Marso.


Isa sa mga tumatak na prediksyon ni Madam Auring ay ang pagkapanalo ni Muhammad Ali sa “Thrilla in Manila” fight noong 1975 at  pagsungkit sa korona sa Miss Universe ng Pinay beauty queen na si Amparo Munoz noong 1974.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive