Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Matandang pulubi biglang nagsalita ng Ingles, dati palang propesor sa UP at Ateneo


Napahanga na lamang ang isang nagmamagandang loob na netizen matapos marinig ang isang matandang pulubi na nagsalita ng wikang Ingles.


Kwento ni Faith "Faye" Ares palakad-lakad siya sa mall habang nag-iisip kung saang food chain siya kakain nang bigla siyang lapitan ng isang pulubi.


 "Miss, I'm sorry but I have to tell you something. Please don't get mad. And Sorry to bother you but I'm not gonna ask for money, I'll be asking for food to eat 'coz I'm hungry," wika raw ng pulubi sa kaniya.


Labis na nagulat si Faith dahil hindi niya inaasahan na makakapagsalita ng mahusay gamit ang wikang Ingles ang isang pulubi.


Dahil dito inimbitahan niya ang matanda na kumain.

 

Napag-alaman ni Faith na ang pangalan pala ng pulubi Jansen Locsin, 70 anyos. Nagtapos daw ito ng pag-aaral sa Ateneo de Manila at dating propesor ng Ateneo at University of the Philippines.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive