Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Babae, ginahasa umano ng pulis matapos sitahin dahil sa curfew at facemask


 

Matapos sitahin dahil sa kawalan ng facemask at paglabag sa itinalagang curfew, hinalay umano ng isang pulis ang 24-anyos na babae sa San Miguel, Bulacan noong Oktubre 28.


Sa ulat ng GMA News, kinilala ang suspek bilang si Police Lieutenant Jimmy Fegcan.


Ayon sa tiyahin ng biktima, bibili lang sana ang kaniyang pamangkin ng cup noodles ngunit bigla itong sinita ni Fegcan dahil sa kawalan ng face mask at paglabag sa curfew.


Isinama ng suspek ang biktima sa presinto upang tiketan at pagmultahin ngunit pagdako ng alas dos ng madaling araw ay ipinatawag ng pulis ang babae at saka pinagpahinga sa kaniyang quarter.


Dito na raw sapilitang pinaghubad at ginahasa ni Fegcan ang babae.


Sa sumbong ng biktima, agad namang naaresto ang pulis. Sinibak na rin ito sa puwesto at ngayon ay kasalukuyang  nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive